Biyernes, Hulyo 3, 2015

1 - "Summer after High School"

Every on or before graduation, di ko alam bakit, pero lagi ito ang time na kung saan aaminin mo yung nararamdaman mo sa special someone mo. And, idk how, di ko rin inaasahan, na may kakaibang mangyayari sa buhay ko. 

Nagsimula ito sa isang laro, na kilala sa tawag na LoL ( League of Legends ). Ako kasi yung tipo na naglalaro lang kapag may kasama, so yinaya nila ko na sumama sa kanila. Onga pala, sila ay sina Adrian, Buki, Lexly, at Jaren. Kaklase ko sila sa Linear at close naman namin ang isa't isa. Dumating yung time na, chinat ako nila at tinawag na "Babe", syempre ako, tingin ko trip lang nila ako ganyan. So, sinakyan ko nalang, ang funny nga eh, pero mejj awkward minsan pag may labyu na ganun. Minsan binabasag ko nalang yung iba hahahahaha. Pero etong si Adrian, napakatibay, di ko alam kung bakit pero parang may something. Syempre, ayoko namang mag-assume since ayoko nang matulad dati diba. So ayun, sinakyan ko nalang ng sinakyan, minsan akward pag nagsasabi sya ng "labyu", di ko alam irereply ko kasi di ko pa naman naffeel yung ganun eh HAHAHA.

So ayun, araw-araw kami nag-uusap. Minsan nakikita ko tweets nya, parang may relate sakin pero di ko muna pinapansin. Hanggang sa, naguluhan na ko. Iniisip ko kung nahuhulog na ba ko or whut. Pero syempre, di pwede, malay mo nga trip lang nya or ganun sya sa lahat. Basta, magulo.
So, dumating na yung time na pinakahuling pagkikita naming Seniors, ang Graduation Ball. Kinakabahan ako nung una kasi parang ayaw ko sya makita pero hinahanap-hanap ko sya. Alam kong may feelings na pero ayaw ko lang aminin. Lagi ko syang tinitingnan nung araw na yun, di ko alam pero ang hirap iwasan. Minsan magugulat nalang ako kapag naka-eye contact ko na sya tas bigla syang kikindat. Alam kong mabilis masyado, pero wala eh, andun na eh. Di naman napipigilan ang ma-fall. Parang kakaiba kasi sya eh, parang may side sakanya na ngayon ko lang nakita. Yung pagiging gentleman nya, concerned, tas iinom pa ng energy drink para lang makausap ka nya magdamagan. Hayy, ewan, at sa puntong yun, naisip ko na itanong sa bestfriend kong si Buki, kung sino ba yung natitipuhang nyang babae. Gusto ko na kasi maayos lahat, ayoko na magsuffer. So, sinabi nya na sa pagkakaalam nya, wala. Edi syempre, masakit. Kasi after lahat ng nun, wala lang pala. Umasa na naman sa wala. Hanggang sa tinanong ni Adrian kung ano raw pinag-usapan namin.

Syempre, ako in denial stage. Bakit ko ipapaalam kung wala rin naman syang gusto sakin. Pero wala, ang kulit kasi, kaya sinabi ko na. Natakot ako sa isasagot nya nun, pero nagulat ako na mutual feelings na pala. Inamin nya rin na since around 2nd-3rd qrtr pa feelings nya. Edi wow diba hahhaa, Ang saya lang sa feeling na may nagmamahal at nag-aalaga sayo :)

So ayun, di ko ineexpect na may mangyayaring ganito. Kahit na maraming challenges sa buhay, sana strong parin. Walang titibag HAHAHA. Alam kong we're too young and immature pa for this, pero time will come. Pwede namang tumanda at maging mature ng may kasama or kasabay eh. :)

"And then you meet one person and your life changes. Forever."